Home Archive FACTS Tumblraccountants ASK

ERAP-ISKO vs LIM-VELOSO IN MANILA

4 days before the election, I am a registered voter, and up until now, naguguluhan pa din ako kung sino iboboto ko as Mayor ng Maynila. I’ll stick to Isko Moreno for the Vice-Mayoralty candidate dahil di ko kilala si Lou Veloso at madami nang nagawang maganda si Isko and I know he has a pure heart and he is willing to help all the Manilenos for the 3rd time around. :)

Laking Manila ako, dalawang Mayor na ang nagdaan simula nung nabuhay ako, Si Lito Atienza at Alfredo Lim. and unfortunately, mas lumala pa ang meron sa Manila. Laganap ang Krimen, andyan ang Holdapan, Nakawan, Patayan, Gang war, kahirapan at marami pang iba. Nakakaawa kasi naituring na isa sa pinakamalaking city ang Manila at sa laki neto, napakalaki din ng porsyento ng mahihirap sa Maynila.

Undecided pa din ako kung sino iboboto ko as Mayor, ayoko kasi masayang yung boto ko, nagbabayad ng buwis ang aking mga magulang at kahit din ako (Sa mga simpleng VAT) ayoko mapunta lang ito sa mga corrupt na pulitiko.

Si Alfredo Lim, kilala yan as Dirty Harry, as far as I know, sa mga chismis, kung madalas kayo nanonood ng balita, yung mga namamatay na mga holdaper, rapist, etc na sinasabi lang nila sa tv na inagawan ng baril ang mga pulis, hindi po makatotohanan daw yun, bali-balita dito sa amin na pinapatay daw agad ito ng mga nakaupo sa pwesto ni Lim, which is nakakakdegrade at nakakawala ng human rights, ayoko ng ganun. Life is the greatest gift that God gave to us so bakit ganun? A minus point for Alfredo Lim.

Si Erap naman, alam naman natin na dati siyang presidente ng Pilipinas, nakasuhan at nakulong sa loob ng halos limang taon, hindi ba na kung iboboto ko siya, maaaring ulitin niya ulit yung ginawa niyang korupsyon? 

Nakakaawa ang Maynila, sa totoo lang. Sana naman magising din sa katotohanan ang mga boboto, iboto nila kung sino ang karapat-dapat, wag sana sila maging mapanlinlang lang sa pera, sa mga pinagsasabi ng mga kandidato na ‘to, sana iboto nila yung matatawag na Ama ng Maynila. Ang bubuhay ulit sa sigla ng Maynila :)

Tanong ko, Kung kayo ang tiga-Manila, sino ang Iboboto niyo? si Erap o si Lim?

  1. creditcedric posted this